Di Na Natuto


nand'yan ka na naman
tinutukso-tukso ang aking puso
ilang ulit na bang
iniiwasan ka di na natuto

sulyap ng 'yong mata
laging nadarama kahit malayo, ooh
nahihirapan na
lalapit-lapit pa di na natuto

isang ngiti mo lang
at ako'y napapaamo
yakapin mong minsan
ay muling magbabalik sa'yo

na walang kalaban-laban
ang puso ko'y tanging iyo lamang
ooh

o eto na naman
laging nananabik ang aking puso,
ooh
muling bumabalik
sa 'yong mga halik
di na natuto

refrain:

isang ngiti mo lang
at ako'y napapaamo (woh)
yakapin mong minsan
ay muling magbabalik sa'yo

na walang kalaban-laban
ang puso ko'y tanging iyo lamang

refrain:

isang ngiti mo lang
at ako'y napapaamo (woh)
yakapin mong minsan
ay muling magbabalik sa'yo

na walang kalaban-laban
ang puso ko'y tanging iyo lamang
ang puso ko'y tanging iyo lamang






Captcha